Pres. Arroyo’s Speech: Launching Ceremony of the Libmanan Biogen Power Plant
Saturday, September 06, 2008
President Gloria Macapagal-Arroyo’s Speech during the Launching Ceremony of the Libmanan Biogen Power Plant. Thursday, September 04, 2008. Brgy. Bahay, Libmanan, Camarines Sur
Dios mabalos sa aking anak na si Dato and happy birthday!
Ating kagalang-galang na mga opisyal ng First District ng Camarines Sur at ang ating mga bisita. Nandito si Congressman Danny Suarez na… sorry, nagsalita siya bago natin winelcome siya kasi tinawag kaagad dahil excited tayo marinig yung Biogen project niya; Congressman Joey Solis mula sa Sorsogon at si Nonoy Andaya, ang dating congressman sa distrito ninyo at ngayon ang Secretary ng Budget and Management; si Mayor Jimenez, ang ating host mayor; at lahat ng mga mayor na narito ngayon sa buong distrito; iba’t-ibang mga opisyal, Dios marhay nga aga sa indo gabos.
Alam niyo talagang hiningi kong magpulong tayo ngayong birthday ni Cong. Dato ditto para pag-usapan ang ilan sa napakaraming gusto nating gawin para sa railroad towns o yung First District ng Camarines Sur. Yung unang-una ngang item sa ating agenda bago pa man nag welcome remarks ay tinawag na kaagad dahil excited tayo tungkol doon sa Biogen Power Plant na minumungkahi ni Congressman Danny Suarez ng Quezon, at napaliwanag na ni Danny sa inyo na ito ay magbibigay ng enerhiyang mas mura at makakatulong pa sa waste disposal ng mga daan-daang libong metric tons na pinagtatalupan o ipa na nakukolekta taun-taon mula sa palay, mais at niyog dito sa Kabikulan.
Ang isang 10-megawatt power plant na iniisip ni Congressman Suarez ay 28 million U.S. dollars or one billion pesos. Ganun kalaki yang proyektong yan. Sabi ng DBP, pwede ring paliitin depende kung magkano ang capital na ilalagay ng mga investor ni Cong. Suarez eh merong debt equity ratio na sinusunod ng DBP kung magkano ang ipapautang nila. Basta sigurado ang pagkukunan ng pinagtatalupang feedstock. Yan din ang isang tinitignan ng DBP. Kaya kailangan maguhit nila o masukat nila magkano ang makukuhang mga bunot dito sa Kabikulan, dito sa First District.
Kung magtayo si Congressman Suarez ng planta dito sa Libmanan o doon man sa Pamplona na meron pang malaking lugar pala na pag-aari ng gobyerno na sequester, basta depende kung saan, salamat sa kuryenteng malilikha. Kung itatayo niya sa Bondoc Peninsula muna yung kanyang pinanggagalingan na katabi naman ng distritong ito, salamat pa rin dahil makakabenta tayo ng waste products sa kanya. So, yun ang importante, makakabenta tayo ng waste products. Hindi masasayang yung waste at baka magkaroon pa ng kuryente na kinekwento ni Danny na makaka-save yung mga drying mechanical dryers keysa magbibilad tayo ng bigas sa semento na hindi naman efficient yun.
Pero bukod sa waste products ng Biomass Power Plant, ang First District ng Camarines Sur ay napakaimportante rin dahil watershed ng Bicol River Basin. At yung ikalawang topic na yun ang gusto kong pag-usapan ngayong umaga. Kailangan manguna ang distrito sa pag-aalaga ng punongkahoy dahil tayo ay watershed.
Preyoridad natin ipagtupad ang Bicol River Basin Project na sinasakop ang forest management, irrigation at flood control. In fact, noong ako ay pumunta sa America nung 2001, yung unang pagbisita ko kay President Bush, yun ang unang-unang pinirmahan ng Philippine Government at yung World Bank para pondohan ang Bicol River Basin Project.
Pero ngayon salamat sa tulong nila dating congressman nga, Nonoy Andaya, Congressman Danny Suarez, Congressman Joey Solis dahil pinasa nila yung Value Added Tax. Hindi na tayo kailangan umutang sa World Bank para sa River Basin Project ng Bicol. Kaya dumating man yun o hindi, depende kung… o dadating ang ibang component pero hindi lahat magagawa kaagad, pwede na tayong magsimula.
Sa Forest Management halimbawa, nandoon sa budget naglagay na si Nonoy ng…meron ng 129 million pesos para sa reforestation. At hindi lang yun, kasalukuyang bini-bid out na ng DENR, kaya malapit na ang implementasyon.
Ngayon, merong DENR component, merong mga local government component. Kasi kung matatandaan natin ayon sa batas yung communal forest ay devolved na sa local government. Kaya itong araw na ito inisip ko na bilang regalo sa Bicol River Basin communities sa birthday ni Cong Dato ay bibigyan ko ng tseke para sa reforestation ang iba’t-ibang mga bayan, sampung bayan nitong distrito. Iba-iba ang amount kasi iba-iba ang kalakihan ng mga bayan. Pero ang masasabi ko yung mga mas maliit na makukuha ang amount kung mai-implement ito kaagad dadagdagan naman hangang maging pare-pareho kayo lahat. So, ito di ba kasi may mga populasyon 30,000 or below, meron naman napakalaking bayan ng Libmanan kaya iba-iba ang mga amounts pero basta matapos ninyo ay dadagdagan muli.
Para sa irigasyon naman, pag-iibayuhin ang Libmanan-Cabusao Irrigation Project.
Kuwento sa akin nung ibang mga pare dito na itong irrigation na ito, yung ilan sa irrigation canals yan panahon pa ng aking tatay, ni Presidente Diosdado Macapagal. Pero ang problema doon sa mga natayo noong araw, ever since then sa buong Pilipinas ito, wala talagang administrasyon na nagre-rehabilitate kaya isa sa ating priority sa ating administrasyon ay mag-rehabilitate ng mga lumang irrigation projects. Pero dito sa Libmanan-Cabusao narinig ko naman sa mga magsasaka na namamahalan sila dahil pump irrigation.
Kaya mas mabuti na gawin nating dam and gravity. At hindi ba pag dam, gravity na, ano? Pag dam, gravity na, di ba? Okay. So, yung kasalukuyan naglilingkod sa 1,500 hectares, gagastos tayo ng 700 million pesos para sa dam para magkaroon ng apat na libong ektaryang madidiligan ng Libmanan-Cabusao. Sayang si Artie Yap wala dito kasi may flu kasi gusto niya personally ipakita sana sa inyo yung kaniyang advertisement sa Philippine Star. Dahil last Saturday, ginawa na yung unang publication para sa bidding ng Libmanan-Cabusao Dam and Irrigation Project na siya ang pinakamalaking component ng Bicol River Basin Project.
Para naman sa flood control. Kailangan ang 600 million pesos para sa dalawampu’t apat na kilometrong embankment sa gilid ng ilog sa Libmanan-Cabusao, pati na rin ang flood gates. Mula nung 2005, baka hindi niyo nahahalata, kunti-konti naglalabas tayo, nagtatayo ng revetment at 170 million na ang nagastos. Pero gusto natin pabilisin. Kaya kinausap ko si Secretary Ebdane na magrelease na ngayon ng 200 million pesos pa para mapabilis ang embankment ng Bicol River Basin.
Pero hindi lang yung Bicol River Basin ang isang importanteng pinanggagalingan ng tulong mula sa national government. Yung Bicol CARE, kung naalala ninyo, yung ”Bicol Calamity Assistance and Rehabilitation”. At doon sa Bicol CARE project na yun napagalaman ko na kumpleto na ang Center for Health Development sa San Fernando at maraming tulong pati hanggang sa Sorsogon. Doon sa Bicol Sanitarium sa Cabusao, malapit nang matapos pero nagkulang pala ang pondo dahil may dinivert sa Albay -- ni hindi dinivert sa Sorsogon, sa Albay dinivert, hindi bale -- para tutulungan punuin yung na-divert meron din akong tsekeng one million pesos para sa communication system ng Bicol Sanitarium sa Cabusao.
Eh hindi pa pala tapos lahat nuon, meron pang additional request na kung pwede raw magtayo ng Libmanan-Canaman Bridge. At tinignan ng DPWH kung magkano ang gastos nuon, 800 million pesos raw, pero tinawagan ko si Jun Ebdane baka naman meron tayong mga bridge projects funds na pwede pang magamit natin para makamenos ng gastos. Dahil parang dalawang bridge ito eh, may island in between, so titignan daw niya yan. But whatever it is, whether it’s the whole 800 million or something less than that, sabi ni Secretary Ebdane ay gagawin raw niya.
Kaya ito… sa ganitong bagay imbes na 40 minutes ang travel from Pili Airport to Naga, imbes na 40 minutes magiging 15 minutes na lamang ang travel.
Kaya ito ang ating mga balak gawin para sa mga bayan dito sa First District ng Camarines Sur.
Ang hinihingi ko sa inyo ipagpatuloy natin ang pagkakaisa, magtulungan tayo -- pamahalaang nasyonal, pamahalaang lokal, lahat ng mamamayan ng iba’t-ibang bayan tungo sa pagpapabilis ng kaunlaran hindi lamang ng railroad towns ng Camarines Sur kundi na rin buong Kabikulan at buong Pilipinas.
Dios mabalos sa indo gabos.

Labels: Statement of the President

0 Comments:
Post a Comment
Links to this post:
Create a Link